Mga nag-enroll para sa School Year 2022 to 2023, pumalo na sa 15.26 milyon – DepEd

Mga nag-enroll para sa School Year 2022 to 2023, pumalo na sa 15.26 milyon – DepEd

KABUUANG 15,261,695 ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa nalalapit na School Year 2022-2023.

Base ito sa pinakabagong datos mula sa Learning Information System (LIS) hanggang kaninang alas-7 ng umaga.

Pinakamaraming nag-enroll sa Region 4A na may mahigit 2.25 milyon, sinundan ng National Capital Region (NCR) na may mahigit 1.79 milyon at ng Region 3 na may mahigit 1.51 milyon.

Sa higit 15.26 milyon na nagpatala, mahigit 1 milyon dito ay sa kindergarten, mahigit 7.05 milyon ay sa elementarya, higit 4.92 milyon sa junior high school at higit 2.27 ay sa senior high school.

Nagsimula ang enrollment noong Hulyo 25, 2022 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22, 2022.

 

Follow SMNI News on Twitter