INIHAYAG ni Pastor Apollo C. Quiboloy na malinaw na isang probokasyon o pagpapagalit sa China ang ginawang pagbisita ni U.S. House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan kamakailan lang.
“Alam ninyo, sa perspective ng China, ang Taiwan is a Province of China, that’s why there is a ‘One China Policy’ na inayunan ng United Nations, inayunan ng Amerika. So, sa ‘One China Policy’ naghihintay na lang ang China na may reunification sila sa kinikilala nilang probinsya na walang iba kundi ang Taiwan.”
Ito ang inihayag ni Pastor Apollo sa kanyang Powerline program ngayong araw nang tanungin sa opinyon nito ukol sa pagkondena ng G7 o ng Group of Seven Nations sa isinagawang military drills ng China sa Taiwan Strait.
Ayon sa grupo, hindi maaaring gawing katwiran o dahilan ng China ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi para magsagawa ng agresibong military activity sa paligid ng bansa.
Sinabi naman ng butihing Pastor, ang ginawang pagbisita ni Pelosi ay malinaw na isang probokasyon o pagpapagalit sa China dahil una nang binalaan ng Beijing ang Amerika hinggil dito.
“Hindi lang ‘yun isang simpleng bisita, ‘yun ay parang tinusok mo ang mata niya. ‘Yun ay parang pino-provoke mo siya. ‘Yun ay parang kinalabit mo ang kanyang ego na wala kayong magagawa kung ito ang gusto naming gawin,” ani Pastor Apollo.
“Para sa mga Asian character, ‘yun ay pagkawalang respeto sa kanila na hindi mo nirespeto sila. Ang China nga medyo mahinahon pa eh,” ayon sa butihing Pastor.
“Kaya, para sa China, ‘yun ay isang paglapastangan sa kanilang karangalan at sa kanilang soberenya kasi kinikilala nila ang Taiwan na hindi isang bansa kundi probinsya ng China na nahiwalay sa kanila na dapat maisauli sa kanila,” dagdag pa ni Pastor Apollo.
Kaugnay naman sa posibleng epekto ng Pilipinas sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng China, Taiwan, at Estados Unidos, inihayag ni Pastor Apollo na kailangan na ring maghanda ang Pilipinas dahil tiyak na tayo’y madadamay dahil bukod sa malapit lang ay mayroon pa ring base-militar ang Amerika dito sa bansa.
“Masa-sandwich talaga tayo nito kasi may mga sundalo pa ang America dito at may mga… Fort Magsaysay yata nandiyan pa sila. Mayroon pa tayong Visiting Forces Agreement eh. So talagang titirahin tayo kung magkaputukan dito,” ayon sa butihing Pastor.
“So, dapat makapaghanda na tayo ngayon pa. Masa-sandwich tayo dito pagka nagkaputukan. Ang atin lang dinadalangin na sana’y hindi mangyari. Hindi tayo immune dito, malapit na malapit tayo sa Taiwan at nandidito ‘yung mga ibang pwersa ng America, eh kakalabanin nila, dito, America eh,” dagdag nito.
Samantala, ayon naman sa political analyst at dating press attaché ng Washington D.C. na si Ado Paglinawan, magkakaroon na ng ‘fundamental change’ ang relasyon ng China at Amerika kasunod ng pagbisita na ito ni Pelosi sa Taiwan na bahagi ng People’s Republic of China.
“Sobrang pasensya, relentless often reckless at itong provocative US assaults, pinalalagpas lang ng China dati, iyong pagdaan-daan ng mga barko na Destroyer diyan sa Taiwan Strait, dito naman sa Philippine seas ‘yung mga aircraft carrier kung minsan mayroon pang mga exercises jan near Japan and Korea with the U.S., pinalalagpas lang iyan noh,” ayon kay Paglinawan.
Magugunitang, nagbabala na si Chinese Pres. Xi Jin Ping sa Amerika na huwag makialam sa relasyon ng Taiwan at China dahil tiyak na mahahati ang dalawang malalaking ekonomiya ng mundo na posibleng makaaapekto sa global economy.
“But after Xi Jin Ping says I think this was last week warning to his West counterpart Pres. Biden at more than once recently pag nagkaroon ng irretrievable breach of trust ang China sa Washington ay hindi na pwedeng maging business as usual ang China, so iyan ang major development dito,” ayon pa ni Paglinawan.
Naniniwala rin si Paglinawan na marahil pakulo lamang ng Amerika sa China ang naturang Taiwan visit.
“Itong pakulo ni Pelosi is the last straw, China will no longer take seriously for the US protests and itong tinatawag nilang strategic ambiguity pagdating sa One-China principle,” aniya pa.
Kaugnay nito ay nagpalabas na rin ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan patuloy nitong mino-monitor ang sitwasyon dahil higit 140 libong Pilipino ang naninirahan sa Taiwan.
Ayon sa DFA, patuloy na pumapanig ang Pilipinas sa One China Policy.
Sa huli, hiniling ni Pastor Apollo na manalangin ang lahat para sa kapayapaan dahil hindi lamang ang mga bansang kasali ang maaapektuhan ng giriang ito kundi ang buong mundo.
“Dalangin na lang ang nasa atin ngayon na the Father will hold back the time because of us. Pero, we are living in dangerous times,” ayon sa butihing Pastor.