Mga naka ‘academic break’ na paaralan, nadagdagan ayon sa DepEd

Mga naka ‘academic break’ na paaralan, nadagdagan ayon sa DepEd

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga paaralan sa elementarya at hayskul na nagpatupad ng ‘academic break’ sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kamakailan lang nagpatupad ng 2 week academic break ang Department of Education sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at sa nagdaang pananalasa ng bagyong Odette sa ilang rehiyon.

Dahil rito, epektibo na rin ngayong araw hanggang ika-22 ng Enero ang pagpapatupad ng academic break sa lahat ng antas sa Angeles City at Pampanga Province.

Gayundin ang Maynila, Valenzuela, San Juan, Quezon City at Pasay City.

Hanggang sa ika-28 naman sa Nueva Ecija, Bataan Province, Bulacan Province, Tarlac province at Olongapo province.

Nagkaroon na rin ng suspensyon ng pasok sa mga paaralan sa Rizal province, Marikina City, Zambales at Calabarzon hanggang sa ika-29 ng Enero.

Sa ngayon, ay hindi pa nagpapatupad ng break ang ilang lungsod sa Metro Manila gaya ng Taguig, Mandaluyong at Pasig.

SMNI NEWS