Mga operasyon ng 9 na DFA consular offices, suspendido dahil sa bagyong Odette

KANSELADO ang mga operasyon ng ilang consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Biyernes dahil sa banta ng bagyong Odette.

Sa abiso ng DFA sinabi nito na wala munang operasyon ang 9 na consular offices.

Kabilang dito ang sa Butuan, Bacolod, Cagayan de Oro, Iloilo, Clarin, Puerto Princesa at ang consular office at Temporary Off-site Passport Services (TOPS) ng Cebu at Davao.

Saad ng DFA, kokontakin ng mga nasabing opisina ang lahat ng kanilang apektadong aplikante para sa kanilang rescheduled appointments.

SMNI NEWS