Mga pasahero na bibiyahe patungo sa probinsya, dagsa na sa PITX

Mga pasahero na bibiyahe patungo sa probinsya, dagsa na sa PITX

DAGSA na sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mga pasahero na bibiyahe patungo sa probinsya para gunitain ang Semana Santa.

Maaga pa lang marami nang mga tao o pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang uuwi sa kanilang probinsya.

Pangunahing probinsiya ang dinagsa ng mga pasahero sa PITX ay mga uuwi sa lalawigan ng Bicol.

Kabilang sa mga pasaherong ito na patungong Southern Luzon ay mga uuwi sa Sorsogon, Legazpi City, Naga City, Iriga, Daet.

Marami rin ang mga pasahero na uuwi o magbabakasyon para gunitain din ang Semana Santa na patungong, Batangas City, Lipa City, Tabaco City, Matnog, Lipa City, San Juan, Lucena, Lemery at iba pa.

Ayon sa management ng PITX hanggang Miyerkules  inaasahan ang pagdagsa pa rin ng mga uuwi sa probinsiya.

Bukas naman ang operasyon ng PITX mula alas kwatro ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi.

BASAHIN: Mga airline company, umabot na sa mahigit 90% ang flight booking ngayong Semana Santa

Follow SMNI News on Twitter