Mga personalidad, bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga personalidad, bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy

TUMANGGAP si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ng courtesy calls mula sa iba’t ibang personalidad nitong Huwebes ng gabi sa ACQ Tower, Makati City.

Ito ay matapos ang kaniyang programang SMNI Exclusive kasama si OFW Party-list Representative Congresswoman Marissa Magsino.

Nagpapasalamat si Congresswoman Magsino kay Pastor Apollo sa pagkakataon na siya ay makapanayam at mailahad ang kaniyang mga plano at programa para sa mga OFW.

“Thank you so much Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa opportunity po na ibinigay niyo sa isang congresswoman na first termer dito po sa 19th Congress. Napakalaking karangalan po ito na dahil alam ko naman na ‘yung mga ini-exclusive interview, kung hindi po president, vice president. Di ba po? And I’m so thankful at sabi ko nga po, napakainit po ng inyong pagtanggap sa amin,” saad ni Congw. Marissa Magsino, OFW Party-list.

Dagdag pa ng kongresista na isang karangalan ang mapagkatiwalaan ng butihing Pastor at maging kabahagi ng SMNI sa pamamagitan ng isang bagong programa na nakatuon sa kapakanan ng mga OFW.

“Dahil sa paniniwala ni Pastor Quiboloy kailangan suklian ko ng mas magandang trabaho, serbisyo at pagmamahal para sa ating mga OFW,” ani Magsino.

“Ipinapangako ko po sa inyo na we will make “OFW Ikaw ang Bida” to a greater heights para naman po hindi tayo mapahiya sa pagpasok at pagsama po ninyo sa akin dito sa SMNI,” aniya pa.

Nakipagkita rin kay Pastor Apollo sina Interior and Local Government Usec. Chito Valmocina, Sultan Kudarat Governor Pax Ali Mangudadatu, at 1-Rider Party-list Representatives Cong. Bonifacio Bosita at Cong. Ramon Gutierrez.

“Ako ay tuwang-tuwa at talagang hindi ko akalain din na makaharap ko ‘yung Pastor Quiboloy na napapanood lang natin at nakita natin kung papaano ang SMNI mula doon sa program niyo na talagang para sa bansa. Ako ang nakita ko talaga kanina kay Pastor Quiboloy, kitang-kita ko sa kaniyang pananalita ‘yung sincerity niya,” ani Usec. Chito Valmocina, Department of Interior and Local Government.

“Ako ay 100% mas naniniwala ako sa mga sinabi niya at ako ay natutuwa sapagkat mayroon tayong isang Pastor Quiboloy na may paninindigan at lumalaban sa katotohanan,” dagdag ni Valmocina.

“Pastor kami po ay talagang nabusog sa mga wisdom na ibinigay ninyo at kami ay talagang masayang-masaya to be given the opportunity to meet you and discuss relevant issues and concerns kung saan papaano po natin matutulungan ang Mindanao at buong Pilipinas na mabigyan natin ng mas magandang buhay ang ating mga kababayan. Kami po sa Sultan Kudarat Province, on behalf of my father Sec. Teng and Gov. Bai Mariam Mangudadatu ay kasama ninyo sa iba’t ibang programa at adbokasiya ninyo para sa ikakabuti ng ating bansa Maraming salamat po at mabuhay po kayo!” ayon naman kay Governor Pax Ali Mangudadatu, Sultan Kudarat.

“First time namin na nagkaharap, nagkakwentuhan lang ni Pastor pero parang barkada lang. Usapang experience, usapang trabaho, lahat. Kita mo ang tagal ng kwentuhan namin at maganda. Marami akong nalaman, natutunan sa mga napag-usapan namin,” saad naman ni Congressman Bonifacio Bosita, Representative, 1-Rider Party-list.

“Pastor Apollo Quiboloy, Sir, maraming salamat po sa opportunity na nagkausap tayo, nagkwentuhan tayo. Imagine 4 hours parang magkapatid lang, magkaibigan,” dagdag ni Bosita.

“Today we had this meeting si Pastor at talagang nagpapasalamat kami kasi nagkaroon ng exchange of views and admittedly there are some views na bago sa akin and talagang through communication we get to learn more. So this opportunity, I get to see na genuine po talaga si Pastor. Kaya maraming salamat po for this opportunity and hopefully we could get to exchange more of these communications po,” wika ni Congressman Ramon Gutierrez, Representative, 1-Rider Party-list.

Bumisita rin sa butihing Pastor si National Capital Region Police Office Regional Director Maj. Gen. Edgar Alan Okubo na nagpahayag ng pagsaludo kay Pastor Apollo dahil sa paglaban niya para sa katotohanan.

“Nakita natin na ang puso niya ay talagang para sa bayan at ang tinatawag na good governance or ways para sa mga barangay natin at sa bayan ay magkaroon ng pag-asa na uunlad pa rin ang ating bansa, ating bansang Pilipinas. And likewise ang mga experience po ni Pastor ay talagang pinaglaban po niya ang katotohanan at mga experience po na dapat mga tularan natin lalo na ‘yung mga dito sa kapakanan ng ating mga kababayan,” ayon kay Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, Regional Director, National Capital Region Police Office.

Hindi rin pinalampas ng ilang business owners ang pagkakataong makipagkita kay Pastor Apollo na anila ay isang malaking karangalan ang makasama ang butihing Pastor.

“Isang malaking karangalan na mameet ko si Pastor no kasi I am a great fan actually dati pa. Alam mo noong last 2019 buntis ako noon. Hinabol ko siya as in malayo. Hinabol ko siya para lang talaga makapagpicture sa kaniya. That’s 2019 at ngayon malapitan. As in nakita ko. I’m so happy,” saad ni Mother Lou, Owner, SY Glow.

“Pastor Quiboloy, thank you po. Very humble po kayo in person. Talagang hindi naman iniexpect,” ayon kay Jessie Maloles, Business Partner, SY Glow.

“Thank you po lalo na naimbitahan niyo po kami doon sa Davao. Talagang napakapriceless po ‘yun na invitation. Thank you po,” dagdag ni Maloles.

Follow SMNI NEWS in Twitter