NAKIKITA ng dating presidential assistant for economic affairs ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na hindi malabong mag-aklas ang mga Pilipino para mapatalsik sa puwesto si Marcos Jr. kung patuloy na sasadsad ang ekonomiya ng bansa.
“Whatever propaganda you do niloloko tayo lahat it’s just what I call empty propaganda” ayon kay Jose Alejandrino, Former Presidential Asst, FVR.
Ganito inilarawan ng dating presidential assistant for economic affairs ni dating Pangulong Ramos na si Jose Alejandrino ang ginagawang pakulo at pilit na pag-iwas ng Marcos administration sa tunay na estado ng Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI News – sinabi ni Alejandrino na tuluy-tuloy ang pagbulusok pababa ng ating ekonomiya dahil wala nang gustong mamuhunan bunsod ng talamak na kurapsiyon ng mga buwayang politiko.
“First of all, there are no foreign investors coming in and the reason for it are two, there two reasons, one is that theres a massive corruption in the government which this government has doing nothing about, its not addressing the problem of corruption, bakit? Well, because those who are corrupt are within their circle of the government, they are making hay while the sun shines,” dagdag ni Alejandrino.
Maliban sa kurapsiyon ay takot din aniyang mamuhunan ang ibang bansa sa Pilipinas dahil sa nakaambang giyera sa pagitan natin ng ibang mas malalakas pang bansa.
“Secondly the investors are .. Away from the Philippines because they don’t want to invest in a country that might be the next battle ground between the US and China, they’re not crazy,” aniya.
Kaya hindi na kataka-taka kung bakit mas pinipili ng mga investor na maglagak ng pera sa ibang bansa.
Hindi rin niya maiwasang kuwestiyunin kung nasaan na ang resulta ng mga pagbisita ni BBM sa ibang bansa.
“Sinabi ni I remember his son Sandro saying justifying the travels of the father saying our return of investments are going to be in the tens of billions of dollars now they’re trying to justify why there’s spending too much money of traveling today, I asked Sandro where are those investments your tens of billions of dollars your boasting of, I said where is your return of investments of your father’s travel, where is it? Where? Is the ROI the return of investments of you father’s travel? You tell where?” diin nito.
Binigyang diin din ni Alejandrino na mula nang maupo bilang pangulo si Marcos Jr. ay naging “worst performer” na ang Pilipinas sa buong ASEAN.
At nasaan na aniya ang mga ipinangakong trabaho? Kung tutuusi’y wala na tayong ibang ginawa kundi ang mangutang nang mangutang para lang mabuhay ang ating nanghihingalong ekonomiya.
Pero maliban sa pagbagsak ng ekonomiya sinabi ni Alejandrino na ang matinding problema na kinakaharap ng ating bansa ay ang pagsasawalang bahala ng Marcos administration na solusyunan ang mga suliranin at isyung nakakaapekto sa buhay ng ordinaryong Pilipino.
Sa huli sinabi nito na kung magpapatuloy ang matinding kahirapan na nararanasan ng mga Pilipino ay mapipilitan ang buong sambayanan na mag-aklas para mapatalsik sa puwesto si Marcos.
“And when you have an economic crisis that I foresee coming, it will create a revolution” aniya pa.