Mga Pilipino pinayuhan huwag munang bumiyahe sa Iraq

Mga Pilipino pinayuhan huwag munang bumiyahe sa Iraq

PINAYUHAN ang mga Pilipino ngayon na hangga’t maaari ay huwag munang bumiyahe papuntang Iraq.

Sa paliwanag ng embahada ng Pilipinas sa Baghdad, laganap pa rin ang mga marahas na kaguluhan sa naturang bansa.

May kaugnayan naman ang mga kaguluhan sa nagpapatuloy na Gaza War.

Una nang naiulat na handa na ang Israel na magsagawa ng operasyon laban sa Iran.

Para sa Iran, wala ring silang pag-aalinlangang sagutin ang mga pag-atake ng Israel.

Tatargetin pa anila ang mga base militar ng Estados Unidos na kaalyado ng Israel sakaling mangyari nga ang isang labanan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble