Mga Pilipino sa Sudan, pinag-iingat sa gitna ng kaguluhan sa Khartoum

Mga Pilipino sa Sudan, pinag-iingat sa gitna ng kaguluhan sa Khartoum

MAHIGPIT na pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Egypt ang mga Pilipino.

Kasabay ito sa nangyayaring labanan sa Khartoum, ang capital ng Sudan.

Hinimok ng embahada ang mga Pilipino na manatili sa loob ng bahay.

Inabisuhan din silang makipag-ugnayan sa konsulado sa Khartoum o sa Philippine Embassy sa Cairo upang ipaalam ang kanilang sitwasyon.

Sa ngayon, marami nang naitala na nasawi at apektado dahil sa agawan ng kapangyarihan sa pagitan ng Sudan Military at Paramilitary Rapid Support Forces (RSF).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter