Mga Pilipinong may trabaho, nasa 49.71M batay sa labor force survey ng PSA

95.8% o 49. 71-M ang may trabaho sa bansa batay sa paunang resulta ng November 22, 2022 Labor Force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ay bahagyang mas mataas kung ikukumpara sa resulta ng survey noong October 2022 na nasa 47.11M ang employed.

Ayon kay PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, tumaas ang employment rate dahil sa economic activities dulot ng holidays.

2.18M naman ang walang trabaho. Ito ay bahagyang mas mababa kung ikukumpara noong resulta noong October 2022 na nasa 2.24M ang unemployed.

Pagdating naman sa underemployment rate, tumaas ito sa 14.4% o nasa 7.16M ang underemployed.

Follow SMNI NEWS in Twitter