Mga Pinoy na gustong mabakunahan, umakyat ng 45%—SWS

Mga Pinoy na gustong mabakunahan, umakyat ng 45%—SWS

UMAKYAT na sa 45% na mga adult Filipino ang nagpahayag ng kagustuhang magpabakuna upang maprotektahan sila laban sa COVID-19 ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong buwan ng Hunyo.

Mula sa porsyentong ito, 36% ang nakatitiyak na sila ay mababakunahan habang 9% naman ang nagsabing “malamang” sila’y mababakunahan.

Ang mga numerong ito ay mas mataas ng 13% points mula noong May 2021 survey na kung saan 32% ng mga Pinoy ang pumayag na sila ay mababakunahan.

Samantala, base pa rin sa 2021 na survey, 24% ng mga Pinoy ang nagsasabi na ‘di pa rin sila sigurado na sila ay magpapabakuna habang 3% naman ang nagsabing malamang ay hindi at 18% naman ang nakatitiyak na hindi sila magpapabakuna kontra COVID-19.

Base rin sa survey, 7% ng mga kalahok ang nakatanggap na ng unang shot ng COVID-19 vaccines at 3% naman ang nakatanggap na ng second dose.

 

SMNI NEWS