DAANG-daang overseas Filipino workers (OFW) ang excited na makita nang personal si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Brussels Belgium.
Martes ng hapon sa Belgium ang meet and greet event ni Pangulong Marcos sa kabayan sa Europe.
Ayon kay Marinela Dorate, ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) France, marami sa kanila ang pupunta sa event ng Pangulo.
Nasasayangan naman ang dalawa dahil natuon sa araw ng Lunes ang event ni Pangulong Marcos.
Dahil kung nataon ito sa weekend, mas marami sanang Pinoy ang makadadalo.
Hangad naman ng Filipino community sa Europa ang tagumpay ng Marcos administration.
Alas-3 ng hapon sa Belgium magsisimula ang meet and greet event ni Pangulong Marcos.