Unti-unti nang dumarami ang bilang ng mga pro-BBM sa bahagi ng COA bridge sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ayon kay Marlon Mendoza chairman ng 1 Movement inasaahan nila na aabot sa 1,500 hanggang 3,000 na mga taga-suporta ng Pangulong Bongbong Marcos Jr., mula sa grupo nila ang darating ilang oras bago ang SONA ng pangulo.