Mga proyekto sa EDCA sites, makakatulong sa ekonomiya—DND

Mga proyekto sa EDCA sites, makakatulong sa ekonomiya—DND

MAKAKATULONG sa ekonomiya ng bansa ang mga proyekto sa ilalim ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Ayon kay Defense OIC Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr., inaasahang lilikha ng trabaho at iba pang oportunidad kapag nagsimula na ang proyekto sa mga napiling lugar.

Kabilang na dito ang Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela at Balabac Island sa Palawan.

Makikinabang din ang mga komunidad kung saan kukuha ng local goods at supplies ang US military at personnel.

Binigyang-diin ng Defense Department at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng EDCA ay naaayon sa pagsisikap ng Pilipinas na gawing moderno ang alyansa nito sa Estados Unidos para epektibong pagtugon sa mga hamon sa seguridad kabilang ang mga sakuna, humanitarian assistance at climate change.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter