HINIHIKAYAT ni Sen. Bong Go ang Philippine National Police (PNP) na manatiling propesyunal at hindi nagagamit sa anumang pamumulitika.
Dapat manatiling nakasunod lang anila ang mga pulis sa tamang operational procedures kung saan gagamit lang ng naayon na bilang ng puwersa para maipatupad ang batas.
Komento ito ng senador sa nangyaring paglusob ng mahigit 100 na PNP-Special Action Force (SAF) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang apat na KOJC compounds sa Davao City noong Hunyo 10.
Nitong Agosto 3 pa ay nagpadala ng mga special weapons and tactics (SWAT) personnel na naka full-battle gear sa iba’t ibang lugar malapit sa KOJC Central Compound sa Sasa, Davao City.
Hindi naman aniya terorista ang hinahanap ng mga ito kung kaya’t hindi na sana kailangan ang nabanggit na deployment.
Kaugnay pa rito, ang naturang presensiya ay nagdudulot na aniya ng trauma sa local residents at mga kabataan.