Mga pulis sa Eastern Visayas, inihanda na sa posibleng epekto ng Bagyong Odette

NAKAHANDA na ang mga pulis sa Eastern Visayas sa posibleng epekto ng Bagyong Odette.

Pinagana na ng Police Regional Office (PRO) 8 o Eastern Visayas ang kanilang Regional, Provincial, City at Municipal Disaster Incident Management task group kaugnay ng Bagyong Odette.

Batay ito sa kautusan ni PRO 8 Regional Director Police Brigadier General Rommel Cabagnot bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyo.

Mandato ng task group na makipag-ugnayan sa Regional Operations Division at Local Disaster Risk Reduction and Management council.

Nabatid na 1,581 personnel ng PRO 8 ang naka-deploy para sa search, rescue and retrieval operations habang 666 ang reactionary standby support force.

Tinitiyak din ng mga pulis sa Eastern Visayas ang seguridad sa mga evacuation center at ilan pang lumilikas sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

SMNI NEWS