Mga recipe mula sa kusina ng mga Marcos, tampok sa ‘Pinakbest’ book

Mga recipe mula sa kusina ng mga Marcos, tampok sa ‘Pinakbest’ book

HALOS isang linggo bago ang araw ng Pasko ay inilahad ni Senadora Imee Marcos ang mga sikretong recipe o menu ng pamilyang Marcos sa launching at  signing ng kanyang libro na may titulong “Pinakbest” sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City.

I don’t know why I embarked on a cook book at a time when certaing prices are horrific… that being said we dare to dream,” ani Sen. Marcos.

Ayon kay Marcos, tampok sa libro ang mga paboritong pagkain ng kanyang mga magulang at mga kapatid, partikular si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay nakasulat sa libro, kabilang na ang Ilokano, Kapampangan, Bicolano, Visayan at Morrocan dishes.

Mayroon din itong mga recipe na pang okasyon na swak rin sa Christmas season.

“Kung gusto ninyong ma bankrupt gawin ninyo ang chicken relleno ng nanay ko. Sobrang Imeldific nun. Lahat ng ingredients nariyan na. Parang isasanla mo yung kotse mo sa presyo ngayon pero nevermind Pasko naman,” ani Sen. Marcos.

“May pagka bipolar ang libro kasi maypagka bipolar ang bahay namin. Yung tatay ko halos vegetarian so ang kinakain nya araw-araw ay nilikha ng Diyos ay dinengdeng. Yun at yun na lang ang kinakain namin,…. Ano pa dengdenengdeng,” dagdag ng senadora.

Inilunsad ang libro na inareglo at sinulat ni Sen. Marcos katuwang ang bantog na si Chef Reggie Aspiras, anak ni dating Tourism Sec. Jose Aspiras.

Ayon kay Aspiras, inabot ng 10 taon ang pagkukulitan nila ni Sen. Marcos bago mailimbag ngayong 2022 ang libro.

“It is with great pride… over ten years,” ayon kay Chef Reggie Aspiras.

Agad bumili ng 200 piraso ng libro ang Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) sa pamumuno ni Henry Lim Bon Liong, maliban pa sa mga nabenta rin sa ilang government officials, showbiz personalities at orders sa online.

Para naman sa mga interesado, mabibili ang libro via online at sa opisina ni Marcos sa halagang P598 kada piraso.

Follow SMNI News on Twitter