Mga residential property na may halagang P3.6-M, ililibre sa 12% vat ng BIR

Mga residential property na may halagang P3.6-M, ililibre sa 12% vat ng BIR

MALILIBRE sa 12% na value added tax (VAT) ang mga house and lot o residential properties na nagkakahalaga ng P3.6-M pababa.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr., kanilang tinaasan ang threshold para sa VAT exemption sa pagbebenta ng residential properties.

Kasunod aniya ito ng inilabas na Revenue Regulations No. 1-2024 ng BIR kung saan itinaas ang exemption threshold mula sa P3.199-M sa P3.5-M.

Dagdag pa ni Lumagui, ginawa ang adjustment batay sa Section 109 ng National Internal Revenue Code kung saan kailangang i-update ang threshold kada tatlong taon gamit ang Consumer Price Index ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ipinunto rin ng opisyal na ang pagtaas sa VAT exemption ay nagpapakita ng commitment ng BIR para sa isang excellent taxpayer service.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble