Mga sasakyang may kargang produktong agrikultural na dadaan sa major expressway, makatatanggap ng rebate—TRB

Mga sasakyang may kargang produktong agrikultural na dadaan sa major expressway, makatatanggap ng rebate—TRB

KARANIWANG dahilan ng mga nagtitinda sa palengke ay dahil mahal ang kanilang mga puhunan at malaking gastos sa gasolina o ang logistic cost nito.

Pero, may magandang balita ang Toll Regulatory Board (TRB) dahil epektibo na sa Hunyo 1 ng taon ang pagbibigay ng rebate o balik-bayad sa mga truck na may kargang produktong agrikultural na dadaan sa mga major expressway.

Ngunit, tanging mga sasakyan lamang na accredited ng Department of Agriculture (DA)  at may RFID ang maaaring makabenepisyo nito.

Sabi ng TRB, layon ng programa na protektahan ang kapakanan ng mga publiko sa pamamagitan ng pagbawas sa epekto ng pagtaas ng mga singil sa mga tollway.

“This program aims to protect the welfare of the general public by minimizing the impact of toll rate increase on the overall inflationary situation to ensure the stability of food prices. The TRB, together with the different government agencies, acknowledges the toll expressway concessionaires and operators for their full support and cooperation as this will not be possible if they did not agree to implement this exemption,” ayon kay Atty. Alvin A. Carullo, Executive Director, Toll Regulatory Board.

DA: Online application para sa accreditation ng mga sasakyang may lulang agricultural products, bubuksan

Welcome development umano ito sa Department of Agriculture lalo’t nasa higit 900 mga truck na may lulang agricultural products na bumabiyahe sa mga major expressway.

Karamihan sa mga truck ay nagmumula sa National Capital Region (NCR) papunta sa Region 1 hanggang Region 5.

Bubuksan na rin ng DA ang online application upang mapabilis at maibsan ang malaking gastos sa pag-proseso.

“On the part ng DA, magpunta sila rito sa Central Office or sa mga Regional field offices namin then magsubmit sila ng mga requirement and then kapag okay na lahat then ay bibigyan sila ng stickers and then ‘yung accreditations. Inaayos na ngayon ‘yung online application and hopefully maging maayos na kaagad,” ayon kay Asec. Arnel de Mesa, Spokesperson, DA.

SINAG: 5%-10% ang ibababa sa presyo ng bilihin kung magiging epektibo ang Agri Trucks Rebate Program

Ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) naman ay positibo na sa ilalim ng programa ay makatutulong para maka-menos gastos sa transportasyon na siya ring makababawas sa presyo ng mga bilihin.

“Malaking bagay pagka-ultimately nawala ‘yung fees sa mga toll at 5% hanggang 10% na presyo mare-reduce mo pagka-totally napatupad ‘yan,” wika ni Jayson Cainglet, Executive Director, SINAG.

Sa kabila ng programang ito ay may panawagan pa ang SINAG.

“We’ve been requesting since last year para toll free talaga ang mga agri commodities para hindi na siya makadagdag sa pagtaas ng presyo ng mga basic good natin like ‘yung sa bigas, and sa baboy at manok kapag toll free talaga ‘yung mga highway natin for the agricultural goods,” dagdag ni Cainglet.

Lagi umano kasing idinadahilan ng mga retailer sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin ay dahil na rin sa gastos nila sa transportasyon.

Gayunpaman, magtatagal ang nasabing programa sa loob ng tatlong buwan.

Maglalaro sa P2 hanggang P156 ang ibabalik depende sa distansiya at sa klase ng sasakyan.

Katumbas ito ng halaga ng taas-singil sa toll na ipinatupad noong Hunyo 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble