Mga sikat at malalaking kompanya, binalaan ng BIR kaugnay sa pagbabayad ng tamang buwis

Mga sikat at malalaking kompanya, binalaan ng BIR kaugnay sa pagbabayad ng tamang buwis

TINIYAK ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na wala silang sisinuhin at nangakong sasampahan ng kaso kahit na sikat o malaking kompanya na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Katunayan ay sinampahan ng tax evasion case sa Department of Justice (DOJ) ang popular cosmetic brand na Ever Bilena dahil sa hindi umano nagbayad ng tamang buwis.

Sinabi ng BIR na nagkaroon ng tax deficiency ang naturang kompanya na umaabot ng P10-M bukod pa sa ginawa nitong mga pekeng transaksiyon.

Bago sinampahan ng reklamo ay paulit-ulit na aniyang pinadalhan ng BIR ng notice ang Ever Bilena pero hindi ito sumagot kahit isang beses.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble