Mga sunog ipagbigay alam muna sa kinauukulan bago i-vlog—BFP

Mga sunog ipagbigay alam muna sa kinauukulan bago i-vlog—BFP

UNAHIN muna ang pag-report ng sunog sa mga awtoridad bago kuhaan ng video at i-post sa social media.

Mensahe ito ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Northern Mindanao sa publiko ngayong itinuturing na National Fire Prevention Month ang buwan ng Marso.

Binigyang-diin ng ahensiya, mas mainam na itawag na lang agad ang isang insidente ng sunog sa 911 hotline dahil mas mabilis ito na maaksiyunan kumpara sa pag-post sa social media.
Naililigtas pa agad nito ang buhay ng sinumang apektado.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble