GRABE ang buhos ng suporta ng mga taga Rizal sa simultaneous nationwide campaign rally ng Duterte Senatorial Slate.
Dito sa Karangalan Vlllage Court sa Cainta, Rizal, libo ang dumalo kung saan ang ay iba galing sa iba’t ibang lugar sa Rizal at ang iba ay galing sa iba-ibang organisasyon.
Mayroong galing sa mga grupo ng senior citizen, sa mga kabataaan, at kabababaihan.
Narito rin ang mga ibang kanidato gaya ni Imee Badajos na tumatakbong Vice Governor.
Maging ang tumatakbong sa pagkakongresista na si Jay Narciso.
Ang mga ito ay nakalinya rin sa Duterte Slate.
Siyempre, narito din sa event ang supporters ni Atty. Vic Rodriguez at mga supporter ni Senatorial Candidate Pastor Apollo Quiboloy na siyang magiging konsensya natin sa Senado.
Ayon pa nga kay FPRRD, si Pastor Quiboloy ay may moral values at matalinong tao.
Gayunpaman, ayon sa mga supporter dito, die hard Duterte sila kaya todo ang suporta sila sa mga kandidato ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Galit daw sila sa kurapsyon, sa kahirapan, sa ilegal na droga at kriminalidad at tanging ang Duterte Slate lang daw ang makakapagpapaalis ng mga problema ng bansa.
Follow SMNI News on Rumble