Mga suspek sa Degamo murder, nakatakda nang basahan ng sakdal sa Manila RTC

Mga suspek sa Degamo murder, nakatakda nang basahan ng sakdal sa Manila RTC

NAKATAKDA na umano ang arraignment ng mga suspek sa Degamo murder, Miyerkules ng hapon sa Manila RTC Branch 51.

Ito ay ayon sa abogado ng 5 suspek na si Atty. Danny Villanueva.

Sa arraignment, babasahan na ng sakdal ang 11 suspek na hawak ng NBI.

Sa isang mensahe, sinabi ni Atty. Villanueva na maghahain ng not guilty plea ang lahat ng suspek.

Bukas ay maghahain na rin aniya kasi ng recantation ang limang pang suspek.

“I’m not 100% sure ha, pero iyan ang sabi sa akin ha, si Isturin, Gonyon Sr., Gonyon Jr., Joric Labrador, and Benjie Rondiguez,” ayon kay Atty. Danny Villanueva, Abogado ng 5 suspek sa Degamo murder.

Si Miranda, walang ihahaing recantation dahil wala naman aniya itong naunang salaysay.

Ang suspek na si Jhudiel Rivero na nakatanggap na umano ng commitment order na ililipat ito sa Manila City Jail.

Ayon kay Villanueva, mas gusto aniya ng mga suspek na manatili sa NBI Detention Cell kaysa sa PNP custodial facility para sa kanilang kaligtasan.

“Mayroon silang mga sinasabing, may mga impormasyon sila na doon sa, kasi yung mga naririnig nila parang si sec. Abalos ng DILG mismo ang nag-seek ng kanilang transfer sa Camp Crame, parang naniniwala sila na may nilulutong hindi maganda na tungkol sa kanila, kung malilipat sila sa Crame,” dagdag ni Villanueva.

Samantala, sa taong 2026 ay inaasahan na magkakaroon na ng bago at modernong tanggapan ang NBI.

Kanina ay nagkaroon na ng groundbreaking ceremony para sa proyekto na dinaluhan mismo ni NBI Director Medardo de Lemos.

P2.5-B ang tinatayang kakailanganin para sa konstruksiyon.

Ide-demolish ang kasalukayang mga gusali sa Ermita Manila at saka sisimulan ang konstruksiyon para sa bagong NBI head quarter.

Follow SMNI NEWS in Twitter