NALAMBAT ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang No. 1 Most Wanted Person sa Cebu.
Ayon kay PNP CIDG director police Brigadier General Ronald Lee, kinilala ang akusado na si Hermes Noquillo Laag, 58 taong gulang at residente ng Barangay Nangka, Balamban, Cebu.
Isinilbi kay Laag ang warrant of arrest para sa dalawang counts ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 59 sa Toledo City, Cebu.
Nakadetine na si Laag sa Balamban Municipal Police Station dahil sa iba pang paglabag sa batas.
Tiniyak ni General Lee na patuloy sila sa pagtugis sa mga lumabag sa batas upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
