Mga suspek sa pagpatay sa isang pharma exec, pinasusuko na ng PNP

Mga suspek sa pagpatay sa isang pharma exec, pinasusuko na ng PNP

HINIMOK ng Philippine National Police (PNP) na boluntaryong sumuko ang mga suspek sa pagdukot at pagpatay kay Eduardo Tolosa, Jr. CEO ng Iraseth Pharma.

Sa Pulong Balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na hindi na dapat hintayin ng mga suspek na lumabas ang warrant of arrest laban sa kanila at lumantad na sa pulisya.

Nabatid na sa 11 na suspek, 5 ang sumuko habang 6 ang hindi pa lumulutang.

Sinampahan na sila ng kasong kidnapping for ransom, murder, at arson sa Department of Justice (DOJ).

Si Tolosa ay naiulat na nawala at huling nakita sa Taguig City noong Hulyo 19.

Samantala, nag-apply na rin ang PNP ng look-out bulletin sa Bureau of Immigration (BI) laban sa mga suspek.

Follow SMNI NEWS in Twitter