KABILANG ang Angono, Rizal sa mga munisipalidad na nakiisa sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally kahapon, Abril 20, 2025.
Si Datu Mohidin Omar Guiaman na mula sa Muslim community ay hangang-hanga sa mga nagawa ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy pagdating sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.
Kaya naman, buo ang kaniyang suporta sa kandidatura ng Butihing Pastor sa pagka-senador.
Naniniwala siya na kapag nailuklok sa Senado si Pastor Quiboloy, gaganda ang Pilipinas tulad ng ginawa niya sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
“Alam mo kung gaano siya kamahal ng tao. Lahat po ng ginawa niya hindi lang plano talaga, ginawa niya.”
“Napakaganda ng programa niya. Ma-save niya ang kahirapan sa Pilipinas at saka kalikasan.”“Napakaganda ng ginawa niya, wala akong masabi. Sobrang importante sa buhay natin ang kalikasan. Proud na proud po kami sa kanya,” ani Datu Mohidin Omar Guiaman, Supporter ng PDP-Laban.
Si Jojo Lantao naman ay saludo sa dedikasyon ni Pastor Quiboloy pagdating sa pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng kalamidad.
Kumpiyansa siyang mas marami pang matutulungan ang Butihing Pastor kung palarin ngayong halalan.
“Ang masasabi ko lang kay Pastor Quiboloy, tao siya na may pusong para sa mahirap kasi galing din siya sa hirap. Matulungin na tao kaya pinagpapala ng Diyos.”
“Karapat-dapat siyang manalo sa Senado kasi siya ang dapat na maglingkod sa mga tao. Siya lang ang nakakaalam sa pangangailangan ng mga tao,” wika ni Jojo Lantao, Supporter ng PDP-Laban.
Bukod sa pagtulong sa kapwa at pangangalaga sa kalikasan, kasama rin sa plataporma ni Pastor Quiboloy ang “zero corruption.”
Si Roseuel Ann Abainza ay tiwala na uunlad ang Pilipinas kapag walang korapsyon sa mga nakaupo sa puwesto sa gobyerno.
“Actually, maganda po siya. Based sa napanood ko rin, may napatunayan siya and he deserve to be on the spot. Iboto po natin #53 sa balota, Pastor Quiboloy.”
“Maganda siya (Zero Corruption), hindi lang para sa akin kundi para sa ating lahat. Sino ba ang hindi gusto na hindi tayo uunlad at hindi magbabago ang patakaran at pamamalakad na nangyayari sa atin?” saad ni Roseuel Ann Abainza, Supporter ng PDP-Laban.
Hindi politiko, lalong hindi trapo, kundi isang tunay na lider na mayroon nang makikitang resibo ng serbisyo.
Ito ang hatid ng Butihing Pastor sa kaniyang kandidatura bilang senador ngayong eleksiyon sa Mayo.
Si Pastor Apollo C. Quiboloy at ang siyam pang kandidato ng PDP-Laban ay nagbigay ng katiyakan na ipagpapatuloy ang mga programa’t proyekto ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ipagpapatuloy rin ng PDP-Laban slate ang Tatak Duterte na serbisyo at liderato at ipadarama ang tunay na malasakit sa publiko.
Tinatayang nasa 1,500 ang kapasidad ng gymnasium na ito at inaasahan natin na dadagsain pa ng mga taga-suporta ang nasabing lugar.