PINANGUNAHAN mismo ni Vice President Sara Duterte ang pamamahagi ng gift packs para sa mga benepisyaryo mula sa sektor ng indigenous peoples, senior citizens, at persons with disabilities.
Kabilang din sa mga aktibidad ni VP Sara ay ang turnover ng Mag Negosyo Ta’ Day grants sa limang piling benepisyaryo at ang tree planting activity sa Ifugao SPED Center.
Bukod rito, naipamahagi rin ang pagbabago bags sa higit 200 mag-aaral mula sa Grades 1 hanggang 6 ng Ifugao SPED Center, na may kabuuang walong silid-aralan.
Nagpapasalamat ang OVP sa mga katuwang na ahensiya at opisyal na naging bahagi ng tagumpay ng aktibidad na ito sa Ifugao Province.