OVP Thanksgiving Activities sa Ifugao 

OVP Thanksgiving Activities sa Ifugao 

SA pagpapatuloy ng selebrasyon ng ika-89 na anibersaryo ng Office of the Vice President (OVP), matagumpay na isinagawa ng OVP – Cagayan Valley Satellite Office ang Thanksgiving Activity sa Lagawe Central School Gymnasium, South Poblacion, Lagawe, Ifugao Province, kahapon Disyembre 3, 2024.

Umabot sa 1,000 benepisyaryo mula sa sektor ng Indigenous Peoples, Senior Citizens, at Persons with Disabilities (PWDs) ang nakatanggap ng tulong mula sa OVP.

Kabilang din sa mga aktibidad ang turnover ng Mag Negosyo Ta’ Day grants sa limang piling benepisyaryo at ang tree planting activity sa Ifugao SPED Center.

Bukod rito, naipamahagi rin ang PagbaBAGo Bags sa 238 mag-aaral mula sa Grades 1 hanggang 6 ng Ifugao SPED Center, na may kabuuang walong silid-aralan.

Nagpapasalamat ang OVP sa mga katuwang na ahensiya at opisyal na naging bahagi ng tagumpay ng aktibidad na ito sa Ifugao province.

 

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble