Mga unibersidad sa South Korea, hindi sigurado sa pagpapatupad ng face-to-face classes

Mga unibersidad sa South Korea, hindi sigurado sa pagpapatupad ng face-to-face classes

HINDI sigurado sa in-person classes ang mga unibersidad sa South Korea sa gitna ng pagkalat ng Omicron variant.

Ang mga lokal na unibersidad ay hindi sigurado kung sisimulan ang paparating na spring semester sa pamamagitan ng face-to-face classes sa gitna ng mga alalahanin sa pagtaas ng mga kaso ng Omicron variant.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, sa ilaim ng “living with Covid-19” scheme, nagplano ang ministry of education na ipagpatuloy ang face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad mula sa unang semester ng 2022.

Gayunpaman, ito ay hindi ipinagpatuloy matapos ang pagtaas ng mga impeksyon na humantong sa pagpapahinto ng gobyerno sa pagbabalik normal ng bansa noong huling bahagi ng Nobyembre, at sa halip ay ibinalik ang mas mahigpit na social distancing measures.

Bagama’t ang kawalan ng mga alituntunin ng gobyerno ay nagdulot ng kawalan ng katiyakan sa mga institusyon sa kung paano sisimulan ang bagong semester, maraming unibersidad ang nagpaplanong magsagawa ng mga in-person classes sa limitadong paraan at nag-aalok ng hybrid courses – ang pinaghalong in-person at remote classes.

Samantala, inihayag naman ng education ministry na magsasagawa sila ng pagpupulong sa mga opisyal ng unibersidad sa huling bahagi ng linggong ito upang mangalap ng mga opinyon kung paano isasagawa ang spring semester.

SMNI NEWS