Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Batanes

Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Batanes

NIYANIG ng magnitude 5.2 na lindol ang Batanes kaninang madaling araw ng Miyerkules ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tectonic ang pinagmulan ng lindol sa 31 kilometrong hilagang-silangan ng Itbayat nitong alas 3:10 ng umaga na may lalim na 14 kilometro.

Walang nairekord na intensities base sa earthquake bulletin ng Phivolcs na inisyu kaninang 3:20 ng madaling araw.

Wala namang naiulat na napinsala ngunit posibleng magkaroon ng mga aftershocks

Follow SMNI News on Twitter