MULING pinalawig ng South Korea ang social distancing measures hanggang Pebrero.
Magtatagal hanggang sa susunod na buwan ang social distancing na ipinapatupad ng South Korea.
Ang social distancing measures ay papalawigin pa ng tatlo pang linggo.
Isang buwan na ang nakalipas mula ng ibalik ang hakbang na ito dahil sa umano’y Omicron surge na naranasan ng bansa.
Bumaba naman sa higit apat na libo ang kaso kahapon kumpara sa higit walong libo na naitatala noong buwan ng Disyembre.
Ang pinalawig na hakbang ay magtatagal hanggang Pebrero 6 kabilang na rito ang 9pm curfew sa mga restaurant, coffee shops at mga bar.