PINANGUNAHAN ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang isinagawang Crash Rescue Exercise (CREX) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Biyernes, Agosto 4, 2023.
Ayon kay MIAA Officer-in-Charge Bryan Co, maituturing na matagumpay na isinagawa ang naturang exercise lalo na noong 2022 pa nila itong pinaghandaan.
Layon sa naturang CREX ay masubukan ang kahandaan ng MIAA na tumugon sa insidente ng pagbagsak ng eroplano.
Nasa 80 pasahero ang nakilahok sa exercise na pawang mga security guard sa NAIA.
Ang CREX ay umabot ng isang oras at ayon sa MIAA nakahanda palagi ito para agad na rumesponde sa mga ganitong insidente ng eroplano.