Nagpalabas ang MIAA ng mga apektadong flights dulot ng Bagyong Karding ngayong araw.
Sa inilabas na abiso ng MIAA Media Affairs Division Office, mga biyahe mula Manila patungong Cagayan de Oro, Cebu, Davao o vice versa ang mga naapektuhang biyahe ng AirAsia.
Ang Philippine Airlines naman ay kanselado naman ang ilang balikang international at domestic flights nito kabilang ang Singapore, Denpasar, Davao, Busuanga, Basco, Calbayog at Legaspi kanselado rin ang biyaheng balikan ng Air Swift patungong El Nido habang ang Cebu Pacific ay may naitalang 20 na domestic flights ang kanselado.
Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga Airline na may apektadong biyahe na agad magsumite ng proposed timings para sa kanilang recovery flights.
“I have lifted the daily maintenance closure of the international runway to give the airlines ample room to plan their recovery flights’ GM Cesar Chiong, MIAA habang nakamonitor naman ang MIAA sa posible pang pagdagdag ng maapektuhang flights sa NAIA,” ayon sa MIAA Media Affairs Division Office.
Pinaalalahanan din ng MIAA ang mga pasahero na maging mapagbantay sa pagbabago ng sitwasyon at masusing subaybayan ang status ng flights sa pamamagitan ng airline websites o social media pages bago magtungo sa NAIA.
Pinayuhan din ang mga pasahero na subaybayan ang mga lugar sa paligid ng kanilang mga tirahan at mga kalsada patungo sa NAIA para sa mga advisories sa pagbaha.
Maaaring tawagan ng mga pasahero sa mga sumusunod na numero para sa mga update ng kanilang flights .
NAIA flight information numbers for updates: Trunkline: 8877-1109 Local 2181 for Terminal 1 Local 2182 for Terminal 2 Local 2183 for Terminal 3 Local 2184 for Terminal 4.
Sa ngayon umabot na sa 33 domestic flights habang nasa 2 naman ang kanseladong flights sa NAIA.
Kahapon umabot sa 49 na domestic habang 10 international flights ang kanselado.