AAKSYUNAN ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ulat na “3rd most stressful airport” ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa buong Asya.
Ayon kay MIAA Senior Assistant General Manager Bryan Co, valid ang obserbasyon na ito ng Hawaiian Islands, isang travel blog.
Nakipag-ugnayan na rin anila sila sa mga ibang kaugnay na ahensya upang matugunan ang ulat.
Isa sa mga tututukan nila ang pagkakaroon ng access na makapagpapalit ng pera ang mga dayuhan pagkadating nila sa bansa.