ISANG milagro ang kailangan ni Vice President Leni Robredo para manalo ito sa presidential race.
Ito ang hayagang sinabi ni Publicus Asia, Inc. Executive Director Aureli Sinsuat sa panayam ng SMNI News.
Ani Sinsuat, ito’y dahil isang buwan na lamang bago ang eleksyon at malabo nang mahabol pa ni Robredo ang mataas na ratings na nakuha ng katunggali nitong si Bongbong Marcos.
‘’Ayoko naman magsalita ng tapos pero kailangan siguro ng miracle, para makahabol yong mga sumusunod sa frontrunner sa presidential and vice-presidential race. Hindi ko iyon sinasabi dahil iyon ang tingin ko pero iyon yong sinasabi ng datos. Hindi lang iyong datos namin pero iyong lahat ng survey forms dito sa election na ito at doon sa historical data ng 2010 at 2016 elections,’’ ayon kay Sinsuat.
Sa huling survey ng Publicus Asia, nanatiling nangunguna si Bongbong Marcos sa presidential race na may 56% batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Publicus Asia.
Malayong-malayo ito sa pumapangalawa na si Robredo na may 23%.
Ginawa ang survey ng Publicus Asia noong Marso 30 hanggang Abril 6 na nilahukan ng 1,500 respondents.
BASAHIN: BBM-Sara tandem, nangunguna sa April 2022 survey ng Publicus Asia