Miles Ocampo, ibinunyag na sumailalim sa isang thyroid surgery

Miles Ocampo, ibinunyag na sumailalim sa isang thyroid surgery

IBINUNYAG ni Miles Ocampo na sumailalim ito kamakailan ng surgery dahil sa thyroid problem.

Noong 2022 pa aniya naramdaman ang sintomas ng kaniyang thyroid problem gaya ng pagiging hapong-hapo at pakiramdam na palaging nasasakal.

Mabuti na lang aniya at maaga itong naagapan bago pa kumalat at lumala.

Samantala, sinabi ni Miles na may isa pa siyang procedure na gagawin at pagkatapos nito ay may maintenance na iinumin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter