‘Project Ngiti’ ni Ronnie Liang, target ang libreng surgery sa mga batang may cleft lip at palate

‘Project Ngiti’ ni Ronnie Liang, target ang libreng surgery sa mga batang may cleft lip at palate

PINAKABAGONG proyekto ng singer at pilot na si Ronnie Liang ngayon ay ang “Ronnie Liang Project Ngiti Foundation Inc.”

Para ito sa mga kabataang may cleft lip at palate.

Target ng foundation na mabigyan ang mga kabataang ito ng libreng operasyon o surgery, gamot at transportasyon patungo sa pagamutan.

Nag-umpisa ang foundation noong taong 2022 at opisyal na itong nairehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) nitong February 2023.

Maliban sa proyektong ito ni Ronnie, tumutulong na rin syia sa mga kabataang may cancer sa loob ng 15 taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter