Militar, kumpiyansang maibabalik ang peace and order situation sa Negros Oriental

Militar, kumpiyansang maibabalik ang peace and order situation sa Negros Oriental

KUMPIYANSA ang militar na agad nilang maibabalik sa normal ang peace and order situation sa Negros Oriental.

Ito ay kasunod ng ipinadalang 6 na batalyon at 2 brigada ng mga sundalo sa lalawigan upang magsagawa ng law enforcement operations.

Ayon kay Joint Task Force Negros spokesperson Major Cenon Pancito, partikular na idineploy ang karagdagang puwersa ng gobyerno sa 21 strategic areas ng 2nd at 3rd district ng Negros Oriental kabilang ang seaports at paliparan.

Layunin aniya nila na tugisin ang nalalabing suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa, pagtiyak sa seguridad ng lulutang na testigo at pagbuwag sa Private Armed Groups (PAGs).

Nagpapatuloy rin ang koordinasyon ng pulisya sa militar upang matiyak na hindi na mauulit ang kahalintulad na insidente sa lalawigan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter