TINATAYANG nasa P41.2-B ang halaga ng pinsalang dulot sa kalikasan ng nangyaring oil spill sa Mindoro noong 2023.
Batay sa report ng Center for Energy, Ecology and Development (CEED), ang environmental damage ay nasa P40.1-B habang nasa P1.1-B ang socio-economic losses.
Sa pag-aaral pa, patuloy na nawawalan ng kita ang mga mangingisda doon kahit pa inalis na ang fishing ban at nasa one third lang ng kanilang normal na kuha ang nahuhuli dahil sa oil spill.
February 28, 2023 nang mangyari ang malawakang oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro matapos sumadsad ang Mt Princess Empress na may dalang 800k liters ng industrial fuel oil.