MAGKAKAROON muli ng Miss Asia Pacific International matapos ang limang taon nang huling magkaroon ito ng coronation night.
Ang magiging representative ng bansa ngayong taon ay si Miss Philippines Finalist Blessa Figueroa.
Susubukan nitong maging ika-anim na Pinay na makasungkit ng korona mula sa kompetisyon.
Matatandaang noong 2018 nang manalo si Sharifa Areef Mohammad Omar Akeel para sa Pilipinas.
Sa Oktubre 7 sa Manila naman ang coronation night ng pageant.