Miss Int’l Organization, opisyal nang ipinakilala ang candidates para sa 2023 edition

Miss Int’l Organization, opisyal nang ipinakilala ang candidates para sa 2023 edition

OPISYAL nang ipinakilala ng Miss International Organization ang mga kalahok para sa 2023 edition ng pageant.

Nitong Setyembre 18 inilabas ng organization ang mga larawan kasama na ang headshot ng Pilipinas bet na si Binibining Pilipinas International 2022 Nicole Borromeo.

Gaganapin ang coronation night ng Miss International 2023 ngayong Oktubre 26 sa Tokyo, Japan.

Sa kabilang banda, magkakaroon ng mga panibagong bansang kalahok ang Miss International pageant ngayong taon.

Sa anunsiyo, ang mga tinutukoy na bansa ay ang Albania, Bangladesh, Lesotho, at Pakistan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter