Miss Universe Ph, sinagot na ang isyu hinggil sa hindi nabayarang artist na si Jef Albea

Miss Universe Ph, sinagot na ang isyu hinggil sa hindi nabayarang artist na si Jef Albea

SINAGOT ng Miss Universe Philippines ang isyu hingil sa hindi nabayarang artist na si Jef Albea.

Hindi totoo.

Ito ang sinagot ng Miss Universe PH hinggil sa isyu na hindi umano sila nagbayad sa artist na si Jef Albea para sa trophies na ginawa nito noong Mayo 22, 2024 Coronation Night.

Sa katunayan, ayon sa organisasyon, nakikipag-coordinate ang kanilang staff sa staff rin ni Albea hinggil sa bayad.

Ayon pa sa MUPH production head na si Borg Roxas, noong 2023 ay agarang nabigyan ng bayad si Albea kahit walang official receipt dahil kaunti lang anila ang inaasikaso nila na suppliers.

Nitong 2024 naman, hectic ang coronation kung kaya’t kailangan ang proper documentation mula sa lahat na involve sa production.

Ang sinumang nagbigay ng billing statements bago ang coronation night ang mga nabayaran sa first cut-off ng payments noong may 30 subalit si Albea ay hindi nakasama dito.

Ani Roxas, hindi agad naibigay ni Albea ang kaniyang paperwork dahilan para sa second cut-off ng payments na ito kasama ngayong Hunyo 15.

Naunang inireklamo ng artist na si Albea ang MU Ph.

Anito, hindi siya binayaran ng organisasyon at mistulang hindi pinapansin ang obligasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble