Miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute, sumuko sa Marawi City

Miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute, sumuko sa Marawi City

ISANG miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group ang sumuko sa tropa ng 103rd Infantry Brigade sa Marawi City.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr., kinilala ang sumuko na si Alinor Itak Ibrahim, alyas Liya/Bara at residente ng Bargy. Tapurog, Piagapo, Lanao del Sur.

Ibinunyag naman ni 103rd Infantry Brigade Commander Brigadier General Jose Maria Cuerpo II na si Ibrahim ay na-recruit ng isang Najib sa Piagapo noong 2017.

Nasangkot si Ibrahim sa serye ng engkwentro sa Tubaran at Pagaywan noong 2018 sa pamumuno ni Abu Dar at pansamantalang nagpahinga nang mamatay ang kanilang lider.

Muling lumahok si Ibrahim sa mga aktibidad ng Daulah Islamiyah nang lumipat ang grupo ni Abu Zacharia sa Piagapo, Madalum, at Madamba noong 2019, kung saan nasangkot ito sa pananambang sa militar sa boundary ng Poona-Piagapo at Pantao Ragat noong 2020.

Samantala, ibinaba ni Ibrahim ang kanyang M16A1 Colt AR sa militar.

Follow SMNI NEWS in Twitter