PINAPLANO ngayon ng Department of Finance (DOF) na bigyan ng P200 na buwanang ayuda para sa mga kapus-palad na pamilya para sa buong taon.
Ito ang inihayag ni DOF Secretary Carlos Dominguez III sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Aniya, ito ay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa at sa pandaigdigang merkado.
Sa kabila nito, nanindigan si Dominguez na hindi dapat alisin ng gobyerno ang excise tax on oil products kahit maraming nananawagan na alisin ito.
Dagdag pa ni Dominguez, aabot sa P33.1 billion ang ilalaang pondo para sa programang ito.
Aminado naman si Dominguez na hindi ito magiging sapat ngunit ito muna ang makakayanan ng gobyerno.
Atty. Matibag, nilinaw na wala pang inendorsong presidential candidate si PRRD
Wala pang tinutukoy na presidential candidate si Pangulong Duterte na kanyang napupusuan.
Ito ang inihayag ni PDP-Laban Secretary-General at Acting Cabinet Sec. Melvin Matibag sa panayam ng SMNI News.
Kaugnay nito, sinabi ni Matibag na may inilabas na agenda at platform of government ang PDP-Laban na gusto nitong itaguyod ng susunod na pangulo ng Pilipinas.
Nais ng PDP-Laban na itutuloy ng susunod na pangulo ang mga legasiya ng pangulo katulad ng ‘Build, Build, Build’ program, NTF-ELCAC, peace and order at war on drugs.
Magugunitang, may mga katangian nang binanggit si Pangulong Duterte sa gusto niyang maging pangulo ngunit nilinaw ni Matibag na hindi pa ito pinal na desisyon ni PRRD.