BIBILI ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga handheld device para sa pagpapatupad ngayong Pebrero ng single ticketing system para sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, ang mga device na ito ay ikokonekta sa mga Traffic Management Office ng local government units (LGUs) at Land Transportation Office (LTO) systems batay sa final draft ng Metro Manila Traffic Code.
Ani Artes na napagkasunduan na nila na pondohan ng MMDA ang pagbili ng mga handheld device upang mapadali ang lahat ng mga aksyon na kailangan upang maipatupad ang single ticketing system, kasama na ang inter-connectivity sa pagitan ng LGU at LTO.
Samantala, sinabi ni Artes na ang ticketing system ay magpapadali sa pagbabayad ng multa para sa mga traffic violations dahil accredit nito ang mga payment center o iba’t ibang application ng pagbabayad, lalo na para sa mga taga-probinsiya na gumawa ng mga paglabag sa trapiko sa Metro Manila.