MMDA: Mga motorsiklong 400cc pataas, hindi na kailangan gumamit ng motorcycle lane

MMDA: Mga motorsiklong 400cc pataas, hindi na kailangan gumamit ng motorcycle lane

INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang mga motorsiklong may engine displacement na 400cc pataas ay hindi na kinakailangang gumamit ng motorcycle lane sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Gayunpaman, ipinagbabawal pa rin ang “lane splitting” o ang pagdaan ng mga motorsiklo sa pagitan ng mga sasakyan sa dalawang magkatabing lane.

Ang polisiya ay alinsunod sa mga umiiral na regulasyon na naglalayong mapabuti ang daloy ng trapiko at kaligtasan ng lahat ng motorista. Ang mga may-ari ng motorsiklong 400cc pataas ay pinapayuhang magmaneho sa mga pangunahing lane at iwasan ang paggamit ng mga bike lane na nakalaan para sa mga siklista.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter