NAKIKITANG matutulad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ama ayon sa MNLF spokesperson.
Layuning ipakita na walang puwedeng kumalaban sa kasalukuyang administrasyon.
Ito ang paniniwala ni Moro National Liberation Front (MNLF) Spokesperson Atty. Emmanuel Fontanilla kaugnay sa puntong paggamit ng lahat ng resources ng pamahalaan para lang patahimikin ang mga kritiko nito.
Mapapansing sabay-sabay na paglusob ng elite force ng Philippine National Police (PNP) na kargado ng mga matataas na kalibre ng baril sa mga compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City at Sarangani Province nitong Lunes.
Ayon kay Fontanilla, na isa ring abogado, may mga nilabag sa batas ang ginawang aksiyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Special Action Force (SAF) sa pagsisilbi ng warrant of arrest.
Aniya, bakit nagpumulit na pumasok ang mga armadong awtoridad sa loob ng property ng simbahan gayung hindi naman search warrant ang dala ng mga ito.
Wala rin aniyang katibayan ang mga ito na nandoon nga ang kanilang target sa operasyon para ipilit ang isang hot pursuit.
Bukod dito, hindi rin aniya katanggap-tanggap ang paggamit ng ganun karaming puwersa ng PNP na naka-full battle gear pa, na animo’y susugod sa isang malaking digmaan.
Sa kabila nito, sinabi ni Fontanilla na hindi matitinag ang KOJC sa ganitong panggigipit lalo’t sanay na aniya ang mga taga-Mindanao sa ganitong gawain.
Ipinunto na rin ni Fontanilla na mas malala pa si Bongbong Marcos kaysa sa ama niya sa pagiging diktador at sasapitin din nito ang nangyari kay Marcos Sr.