UMABOT na ng 221 million dollars ang ticket sales ng 2024 family/adventure film na ‘Moana 2’ sa Estados Unidos.
Ayon ito sa studio estimates na inilabas noong Linggo, Disyembre 1, 2024.
Kung iisipin, isa na ito sa mataas na opening ticket sales ngayong taon lalo na’t Nobyembre 27 pa lang nagsimula ang theater screening ng pelikula.
Samantala, maliban sa ticket sales sa Estados Unidos, umabot na rin ng 165.3 million dollars ang international sales nito.
Sa kabuuan, nasa 386 million dollars na worldwide ang ticket sales ng ‘Moana 2’.