Mocha Uson, sinulatan ng COMELEC dahil sa kanyang “Cookie ni Mocha” Campaign Jingle

Mocha Uson, sinulatan ng COMELEC dahil sa kanyang “Cookie ni Mocha” Campaign Jingle

PINATATANGGAL ng COMELEC kay Mocha Uson ang kaniyang campaign jingle, dahil umano sa pagkakaroon nito ng double meaning na may hindi tamang ipinahihiwatig.

Dahil sa campaign jingle na ‘yan, sinulatan ng COMELEC ang vlogger na si Mocha Uson na tumatakbo ngayon sa pagka-konsehal sa lungsod ng Maynila.

Sa sulat, sinabi ng COMELEC na ang jingle ay may “double meaning” o may ibang ipinahihiwatig sa publiko at iminungkahing tanggalin ito.

Sakali namang hindi tanggalin ni Uson ang kanyang jingle, posibleng pagpaliwanagin na rin ito ng COMELEC

Samantala, mayroon na namang inisyuhan ang COMELEC ng show cause order dahil sa paggamit ng sexist remarks.

Si Congressman Ruwel Peter Gonzaga na tumatakbo sa pagka-Gobernador sa Cagayan de Oro, ika-apat na sa kandidatong pinagpapaliwanag ng COMELEC dahil sa posibleng paglabag sa kanilang guidelines sa Anti-Discrimination and Fair Campaigning.

Si Christian Sia naman na tumatakbong kongresista sa Pasig City, sumagot na sa show cause order ng body.

Matatandaan na ito ang unang kandidatong inisyuhan ng show cause ng COMELEC dahil sa kanyang siping joke sa mga single mother.

Sa paliwanag ni Sia, sinabi nito sa COMELEC na anuman ang nasabi niya sa campaign sorties ay bahagi lang daw ng freedom of speech o kalayaan niya sa pananalita.

Pero ang ahensiya, inasahan na raw na ito ang gagawing depensa ng kandidato.

Sa kabila ng mga isyung kinahaharap ng ilang kandidato, patuloy ang pagtutok ng publiko sa mga hakbang na ginagawa ng mga ito sa kanilang mga kampanya.

Ang bawat aksyon at desisyon ay nagsisilbing hakbang patungo sa isang mas makulay na eleksyon.

Sa huli, ang mga mamamayan ang magpapasya kung alin sa mga ito ang nararapat para sa kanilang kinabukasan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble