ISINUSULONG ngayon ni 1-Pacman Rep. Mikee Romero ang panukalang batas na layong i-modernisa ang Bureau of Quarantine (BOQ).
Ito’y para malabanan ang pagpasok at pagkalat ng global diseases sa bansa.
Batay sa kanyang House Bill No. 5666, pinabibigyan ng P500 million budget ang BOQ para sa kanilang local and international surveillance.
Aniya, mandato ng BOQ ang examination sa lahat ng entry at exit ports ng bansa kaya dapat makapagsagawa ito ng karampatang surveillance sa sanitary conditions, cargoes, mga pasahero, crew at iba pang personnel na pumapasok sa bansa kaya dagdag-pondo ang kailangan.
Pinabibigyan din ni Romero ng otoridad ang BOQ sa lahat ng papasok at papaalis na ‘vessel’ mapa-local o foreign trips maging ito man ay army o Navy vessels at aircraft.
Saad ng mambabatas, agarang local and international health surveillance ang kailangan kaya agaran sana ang pagpasa sa kanyang panukala.
“This House Bill seeks to provide modernization funding to the BOQ to augment local and international health surveillance in the prevention of the spread of global diseases. Thus, the early passage of this bill is earnestly requested,’’ ani Romero.